Monday, April 12, 2010

pag-ibig, bakit niya ako hinayaang mawala?

minsan sumagi sa aking isip kung bakit ganoon ang mga tao..sasabihin nilang ika’y lubos na minamahal nila ngunit pag nagkaroon ng d pagkakaunawaan mauuna pa silang lumisan? totoo nga bang nagmamahal sila? oo nga’t walang sinuman ang dapat humusga ng pagmamahal ng isang nagmamahal sa isang tao.. ngunit madalas ito’y nagiging sakim at makasarili..kun saan sa aking pakiwati’y hindi na ito matatawag na pagmamahal..
..pano nga ba masusukat ang tunay na pagmamahal? ito nga ba ay kung ipinaglaban ka nia sa higit ng kanyang makakaya kahit mahirap kahit masakit hindi ka nia binitawan? o ito ba’y mas mikita sa paraang tumahimik na lamang siya at itinanim sa kanyang isip na mabuti na yung ganoon para sa inyo na hihintayn mo na lang na paglapitin kayo ulit ng tadhana..na panghawakan na lamang ang kasabihang “kung kayo tlga, kayo pa rin sa huli”

..yaon nga ba ang mas madaling paraan para maayos ang nasirang pangako sa isa’t isa? ang hayaang lumipas ang panahon ng walang pagkakaintindihan kung di ang pakiramdam na walang halaga ung mga panahong pinagsamahan? Ang hayaang makalimot na lamang sa paglipas ng panahon? Ang magkaroon ng ibang mamahalin at magmamahal?

..maraming tanong ang puso ng isang nilalang na nabigo sa pag-ibig ngunit sa akala niang makakabuti minabuti na lamang niyang tumahimik dahil hindi rin naman nia nararamdaman siya’y tunay na mahalaga sa kanyang minamahal..

..Ngayon Kung nasan man ang kanyang inibig nawa’y masaya siya.. Kung may iba ng kumakalinga sa kanyang puso nawa’y hindi ito masugatan muli.. nawa’y alagaan niya ito..at nawa’y maging masaya sila at muli nilang buuin ang mga pangarap na hindi natupad ng kanyang nakaraan..

..hango sa aking makatang kaisipan..
..all rights reserved..]

No comments:

Post a Comment

leave some love <3