Friday, March 26, 2010

SUGAT NA PUSO

umiiwas sa pagibig, ayaw ng masaktan. ilang ulit na ako’y naiwan ng bigla sa ere. tumatakbo ang oras, walang tigil, wala namang nagyayari.

pero sa Bandang huli sa PagSuko ko, may nangyari na ngayon lang nagkataon na mangyari. Natunaw ang puso ko sa galak dahil nakita lang kita. nag -iba ang lahat na dapat di magbago.

nagsalita ang buong mundo, nung nalaman nila ang mga yun. wala akong pakialam sa mga sinasabi nila, Handa kitang Mahalin kahit Kamatayan man ang aabutin ko. hinihila ka nila palayo sakin, ngunit andito lang ako para ibalik ka sakin. kakayanin ko ang lahat basta makasama ka lang. minamahal kita, wag kang mag-alala. ikaw lang hanggang sa huli.

pinipilit ang sarili na kalimutan ka, sapagkat ako’y sinaktan mo ng masyado. dahil ikaw mismo ang ang lumalayo na rin. walang Tigil sa kakadugo ang puso kong ito. Hihilom pa ba muli ang puso kong kawawang nasawi?

kasalukuyan ako’y may sugat sa puso, ng dahil sayo, ako’y takot ng magmahal at baka maranas pa muli ang mga masasakit na pangyayari. Puso ko’y patay na at di na kayang mabuhay pa. walang tigil sa kakadugo ang Puso ko, at ikaw ang rason ng bakit nahiwa ang puso ko sa kakaiyak.

No comments:

Post a Comment

leave some love <3