Friday, June 29, 2012

Eiga Sai 2012

I had been watching and always waiting for Eiga Sai for almost 6 years now.  They have wonderful selections of Japanese films which i really enjoy. 



 Friendly Reminders:
1. Tickets are issued 30 minutes before the screening but you need to be an hour early to fall in line.
2. Everyone is invited to watch..ADMISSION IS FREE.


Sunday, June 17, 2012

Born to Love You

Para kanino ba ang iyong pagsisikap?
Para kanino ka umaasa?
Para kanino ka nangangarap?
Para kanino ka nabubuhay?
Para sa kanila?
O para sa kanya?

BORN TO LOVE YOU.

It was really a nice movie, kakaibang twist and unpredictable ending. I didnt expected that Rex (Coco Martin) will be blind in the end (x__x) but how he sacrifice himself for Joey (Angeline Quinto) was undeniably sweet and heartbreaking. Especially the scene that Joey (Angeline Quinto knew the reasons why Rex (Coco Martin) disappeared and got blind).  The lines are meaningful as well, yung tipong anybody can relate to the story and to the taglines. Thumbs up!
 Ang umibig ang isa sa pinakamasarap na mangyayari sa buhay mo. Pero ang pag-ibig din ang magbibigay sayo ng pinakamasakit na pwede mong maramdaman.

Wag mong tignan kung anong wala sayo. Tignan mo kung anung meron ka.
 “My dahilan tayo para mabuhay. Para sa pamilya, sa sarili, imposibleng wala.
Ikaw, para kanino ka nabubuhay?

Wednesday, June 13, 2012

Independencia

Buhay pa ang alaala
Bukas pa ang sugat
Bitbit ang bigat sa puso
Kahit saan mapadpad

Tumakbo sa kawalan
Nagsumbong sa kalangitan
Nawalan ng pangalan
Pinalit ay katanungan

Magpalaya ng dahil sa pagibig
Lumaya ng dahil sa pagibig
Pagibig na iilaw sa araw na madilim
Pagibig na pupuno sa balong malalim

Sindihan mo ang mitsa ng pagibig
Na sisiklab at tutuyo ng luha
Pagibig na huhugas sa sakit
Na nakatakip sa iyong mga mata

Ibuhos mo ang pagibig
Pukawin ang hapdi
Lumaya ka sa ugat ng sugat
Lumaya ka sa alipin ng galit

...tatanggapin na Lang ang malupit na tadhana? O kaya tatanggapin na Lang ba na ako'y sadyang hindi pinAgpala? Tigilan na ang drama, punasan na ang luha...

Monday, June 11, 2012

Time Machine

Minsan sa buhay ng isang Tao darating ang pagkakataong Hindi dapat palagpasin dahil may mga pagkakataong Hindi na muling babalik at mauulit. Nasa modernong panahon man tayo ngayon ngunit walang sinuman ang makakapaglakbAy pabalik sa nakaraan. Mga bagay na tanging kapalaran na lamang ang makakapagsabi Kung ano nga ba ang kahihinatnan ng kinabukasan.


Ramdamin bago isipin...